An alleged fraternity initiation rights (read as hazing) at the University of the Philippines, Los Baños Campus claimed another victim, by the name of Marlon Villanueva — a fellow alumni of PAREF-Southridge School.

My sincere condolences to the family of the bereaved.

Condemn Hazing!! Condemn Hazing!!


ABOUT THE AUTHOR

Robert “Bob” Reyes is a technologist, an ICT Consultant and Tech Speaker, a certified Google IT Support Specialist, and an Open Source advocate representing the global non-profit Mozilla (makers of Firefox) in the Philippines. Bob is a Technology Columnist for the Manila Bulletin Publishing Corporation and an aviation subject matter expert contributor for Spot.PH.

Follow The Filipino Tech Explainer on Facebook and X/Twitter.

If you liked my articles or any of the contents or if The Filipino Tech Explainer has helped you in any way, you can buy me a coffee and share your thoughts. Help me continue producing awesome articles by supporting my website. Maraming salamat po! Thank you very much!

What’s your Reaction?
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
5 thoughts on “Marlon Villanueva (+)”
  1. i’m a uplb stud at nararamdaman namin ang mga side effects ng pagpanaw ni marlon villanueva…

    – namatay si marlon villanueva, may isang buhay ang nasira
    – nagtatagong mga apo (marahil ang iba’y walang kinalaman… higit sa isang buhay ang masisira dahil hindi makakapag-aral ng matiwasay at malaya sapagkat may nagmamatyag)
    – galit na hindi mailabas… sama ng loob… napipintong sumabog… mas malaking gulo… mas malaking problema…

    ang tanong… hanggang saan hahantong ang pangyayaring ito… may dapat bang sisihin? sino lang ba ang may sala? may puwang pa ba sa pusp ng bawat isa ang magpatawad?

    ewan ko… hindi ko alam… wala lang sa akin ang sagot…

  2. Hello Ian! I share in your sentiments. This is not the first time that a fellow alumni of mine from PAREF-Southridge (NS) had left us due to almost the same circumstances.

  3. HUBAD NA BAYANI?

    Ang UPLB ay microcosome ng Pilipinas, possible siguro na kung maunawaan mo na kung bakit magulo dito, kahit papaano magkakaroon ka ng kaunting ideya kung bakit magulo ang lipunang Pilipino.

    Alam at dama natin na may mali sa sistema pero karamihan hindi naniniwala na possible pang baguhin yun. Nagkasya na tayo sa paniniwalang tuldok lang tayo sa isang malaking sistema na para bang hindi mo na kayang baguhin bagkus ay kaya ka pang lamunin ng buo…Naisip ko lang ang sinabi ni SIR110…kailangan ng external government dahil mahina o hindi mabisa ang iyong internal government. Ang kaguluhan ng lipunan ay replection ng puta putaking kaguluhan sa loob ng bawat isa. Sabi nga ni SIR14….ang pinakamataas na antas ng pag unlad ay kaya mong pamunuan ang sarili.

    Kapag narinig mo ang salitang tradisyon, malamang sa hindi iskeptikal ka na. Pero isa sa mga katangitanging pinamulat ng unibersidad na ito, hindi dapat tahasang binabasag ang mga tradisyon dahil may karunungang nakapaloob sa mga ito, at ang ideolohiyang ito ay matimtimang pinanghahawakan ng mga conserbatibo.

    KUNG HINDI MO KAYANG MANINDIGAN PARA SA ISANG KAMAG-AARAL SA IYONG UNIBERSIDAD, PAANO MO MAAANGKIN ANG ADHIKAIN NG UNIBERSIDAD NA ITO NA KAYA MONG MANINDIGAN PARA SA BAYAN.

    Akala ko ba tinitingala ang mga ISKOLAR NG BAYAN dahil may kakayanan sila baguhin ang kahit na maliliit na parte ng sistema o lipunan? Ano nalang ang mangyayari kung ang mga inaasahan ay unti-unting malalagas dahil sa karahasang kung tutuusin maaari sanang iwasan…..

    Habang tahimik namin ginugunita ang mga nangyari, naisip namin na nakakapanlambot at nakakapanghinayang isipin kung ano pa sana ang mararating ng isang buhay na tahasang natuldukan ng isang hindi inaasahang pangyayari. Bakit nga ba tayong mga kabataan mahilig gumawa ng hakbang na sa kalaunan ay labis labis na pagsisisi ang dulot nito? Kung kumilos tayo ay para bang walang pakialam sa hahakutin na masamang dulot o bunga ng kilos ng yun….Hindi maglalaon ay hirap tayo na panindigan ang mga yun. Sobrang BILIB sa SARILI at sa huli ay napatunayan lamang ang kahinaan at kakulangan ng sapat na kaalaman upang maiwasan sanang mangyari ang karumaldumal na pagtatapos ng buhay ng isang taong may maliwanag sana na kinabukasan. Sumagi po ba sa isipan natin kung ano pa sana ang narating ni Marlon Villanueva? Paano kung isa siya sa makakasalba sa lumulubog na ekonomiya ng Pilipinas? Paano kung siya pala ay magiging presidente ng isang malaking kumpanya? Paano kung may isa pang MASAYANG PAMILYA ang mabubuo niya…..Paano kung makakapagpalaki pa sana siya ng mga supling na sa kabila ng karahasan ng mundong ito ay mananatiling mabubuti at magnanais ng pagbabago tungo sa ekabubuti ng nakararami.

    Sa simpleng pag alala kay Marlon Villanueva, isang taong nagpahiram ng bente pesos pang pamasahe sa mga panahong nahold up ako, sa pagpapahiram niya ng telepono upang ipaalam ko sa mga magulang ko ang nangyari. Sa pagpapahalaga ng mga panahong kakulitan o kabiruan sa klase. Hindi lamang hustisya ang ninanais ko kundi pati na rin magsilbi ang pangyayaring ito bilang aral na makakapaglago sa ating pagkatao.

    Lahat tayo na may direkta at inderektang koneksyon sa communidad ng UPLB ay nawalan sa araw na yun. Nawalan ng ANAK, KAPATID, kaibigan, brad, kaklase, kabatian, kamag-aaral o sa simpleng koneksyon na parehas kayong iskolar ng bayan.

    Bukas makalawa maaaring malimutan na natin si Marlon Villanueva, isa na lamang siya sa mga taong namatay nang hindi isinusuko ang buhay pero nalagutan pa din ng hininga. Isang mahusay na taong kapirasong tabla lamang ang nagbigay tuldok sa kay daming pangarap. Hubad na bayani? Kaylangan bang pasa at hindi baro ang sasaplot sa katawan niya?

    Ilang Marlon Villanueva pa ang dapat natin intayin bago tayo makialam? Ilang hampas ang kailangan para mapatunayan ko na mahal ko ang bayan? Gaano ka raming dugo ang kailangan mamuo para maipakita ko na mahal ko ang mundong kinabibilangan ko? Yan lang ba ang natatanging paraan upang mapatunayan ko ang pagpapahalaga at pagmamahal? Yan lang ba ang depinasyon niyo ng hirap para pahalagahan ng aplikante ang papasukang mundo ng kapatiran? Maatim mo palang bugbugin at pahirapan ng lubusan ang taong kinabukasan ay tatawagin mong BRAD o SIS? At sa mga taong nanghampas at di sinasadya ang pangyayaring ito… sa bawat hampas ninyo….naiintindihan ba ninyo kung bakit niyo siya kailangan hampasin? Napaintindi niyo ba ang pagpapahalaga at pagmamahal na nais niyong iparating….o bulag na pag alinsunod dahil NAIS NINYO MAKAGANTI SA NAPAGDAANAN na kung tutuusin WALA PO SIYANG KINALAMAN!
    Bakit kailangan pisikal ang sukatan ng tibay ng pagkatao, paninindigan, pagpapahalaga, pagmamahal o sukatan ng kapatirang WALANG IWANAN? Bakit hindi intelekwal na aspeto, sapat na dunong, at magandang pakikipagtungo sa isat isa ang magpapatibay ng samahan? May karapatan ka bang hampasin ang isang taong labis inalagaan at pinaghirapan dalhin ng siyam na buwan sa sagradong sinapupunan ng kanyang ina na labis ang paghihinagpis sa mga sandaling ito? Niyakap at pinrotektahan ng puso ng isang ina, mailuwal lamang ang isang anghel sa masahol na mundong kinagisnan mo….TOL may ina ka rin, di mo na ba naiisip na paano kung sayo nangyari ito, anong mararamdaman ng ina mo?

    Hindi ito usapin ng pagiging rasyonal na mas maraming buhay masisira kung sila ay aamin kapalit sa isa…..mas maraming kinabukasan nag magdidilim at ilang pamilya daw ang magdadalamhati kapalit ng isa…….hindi ito pagiging rasyonal o pagiging magaling na iskolar ng bayan kundi ang pagpapahalaga ng buhay…ang pagpapahalaga para sa kapwa tao, ang pagbibigay ng kabuluhan ng buhay ng isang tao na sadyang naging mabait. OO HINDI NINYO SINASADYA ANG PANGYAYARING ITO PERO HINDI YUN SAPAT NA DAHILAN PARA TAKASAN O HINDI HARAPIN ANG PANGYAYARING ITO!

    Sabi ni SIR141: Ang tradisyon ay anak ng pagpapahalaga at karunungan pero sa nakikita ko ngayon, bulag na pag alin sunod ang nagyayari. Ang mga conserbatibo ay naniniwala din sa pagbabago kung ito ay kinakailangan….

    Mga susunod na lider ng bansa ang dapat sana hinuhubog ng unibersidad, Ang tanong…mga magiging lider ba na may bulag na pagsunod ang dapat iangat o mga magiging lider na sinusuri muna ang dapat gawin bago isasakatuparan, magiging lider na may sapat na lakas ng loob upang hindi lamang tumayo para sa mga kapatid, kaya din amining MALI ANG NAGAWA!!!!!!!!

    Hayaan na lang po ba natin mamuo ang dugo at mistulang maging malamig na bangkay sa di pakikialam o umpisahan na ang pagsangga ng mga hampas ng naglahong halaga ng tradisyon? OO, mahirap manindigan lalo na at wala namang kasiguraduhan kung may mangyayari ba sa ipinaglalaban mo, lalo na at madami kang binabangga. Pero hindi kaya mas mainam nang kumilos at mabigo kaysa hindi ka na kumilos at sa huli ay iisipin at malulungkot sa mga pagkakataong nasayang at ano pa sana nabago mo?

    sabi ni SIR141:

    ANG PANGARAL AY GAMOT SA NAKAKALIMOT…

    -Mary Joyce Ramilo
    Marika Villanueva

  4. Madami ngang walang kasalanan ang nadadamay.. Hindi makapagpatuloy ng pag aaral.. Mga taong ngmamahal din kay marlon villanueva.. Mga taong mapalad na nakapasa sa inition rites.. ..pero malas (sa aking pananaw) dahil nandoon sila nung naganap ang insidente.. Mga taong patuloy na umaalala kay marlon villanueva.. Mga taong may mga nagmamahal na nasasaktan din dahil nakikitang nahihirapan at nagsisisi ang minamahal dahil sa isang Hindi inaasahang insidente na habang buhay na kanilang pasan pasan. Oo wala nga silang nagawa upang pigilan ang nangyare.. Ngunit Hindi nman sha kabilang as mga walang awa na pumalo kay marlon villanueva.. Matalinong Tao, pero Hindi makabalik sa colehiyo dahil isa sa mga snsabeng responsable.. Dahil lamang sa opisyal sha nung panahon na iyon, dahil nandun sha nung araw na yun. Madaming buhay nga ang nasira.. Maraming walang sala ang nadadamay. Ngunit ganun ata talaga ang patakaran. Kung sino ang nasa ibaba ng pyramid, sha ang ipapain, sha ang mananagot para maprotektahan ang mga nasa taas..

Leave a Reply